CG: KABUHAYAN AT ARI-ARIAN NG 1,500 PAMILYA, DAMAY SA BAHA SA GAPAN, NUEVA ECIJA
========
HUMIGIT KUMULANG ISANG LIBO AT LIMANG DAANG PAMILYA SA ANIM NA BARANGGAY ANG APEKTADO NG BAHA SA BAYAN NG SAN.LENARDO AT GAPAN CITY NUEVA ECIJA DULOT NG BAGYONG PABLO.

TINATAYANG NASA 4.5 MILYONG PISO ANG KABUUANG HALAGA NG MGA PANANIM AT ARI-ARIAN ANG NASALANTA NG PAGTAAS NG TUBIG,AYON SA MGA RESIDENTE DITO DAKONG ALAS-2 NG MADALING ARAW NG BUMUGSO ANG TUBIG SA KANILANG LUGAR.
NANG HUMUPA NA ANG BAHA, MGA TROSO, NAKATAOB NA BAHAY AT MGA SIRANG PANANIM ANG INIWAN NITO.

PERSONAL NAMANG PINUNTAHAN NI GOVERNOR AURELIO UMALI ANG MGA APEKTADONG RESIDENTE AT NANGAKONG MAKAKATANGGAP NG TULONG BUHAT SA PAMAHALAAN.
UMAASA NAMAN ANG MGA RESIDENTE DITO NA MAKAKATANGGAP SILA NG TULONG NA DAMAY ANG KANILANG PALAYAN AT GULAYAN.

Advertisements