Wendell lover ni Rustom
MOUTHFUL
by : Mell T. Navarro

NASA kasagsagan pa lang ng shooting si Rustom Padilla ng pang-Metro Manila Filmfest entry ng Regal Entertainment, ang Zsazsa Zaturnnah, eh, may panibagong offer na naman ang self-confessed gay actor na kasunod na pelikula mula pa rin sa Regal.

Pusong Pilipit ang nakaaaliw at nakababaliw na title ng next film ni Rustom at sa titulo pa lang ay natawa na kami. Mukhang riot na naman ito.

Kung si Direk Joel Lamangan ang direktor ni Rustom sa Zsazsa Zaturnah, si Eric Quizon naman ang naatasan ng Regal para magdirek ng Pusong Pi-lipit.

Matatandaang some years back, ginawa ni Eric ang Pusong Mamon with Albert Martinez and it was a hit, directed by Joel Lamangan. Nang magkasa-kit si Direk Joel while filming Pusong Mamon, Eric took over and with flying colors ang resulta ng peli-kula at tumipak ito sa ta-kilya.

Tingnan natin kung may ‘magic’ pa rin si Direk Eric in directing gay comedies with Pusong Pilipit, na bida si Rustom. Guess who kung sino ang kasama rito ni Rustom? Si Wendell Ramos daw!

Yup, si Wendell Ramos ang napipisil ng Regal na gumanap na leading man ng ‘leading lady’ na si Rustica, este, Rustom sa nasa-bing movie.

Ayan, magwa-water-water na naman ang mga baklita sa kaguwapuhan ni Wendell, and for sure, eh, mas lalong hahaba ang bu-hok ni Rustom with this movie, huh!
Pero, as of now ay busy pa ang Rustom sa shooting ng scenes niya for Zsazsa Zaturnnah (kung saan kasama niya sina Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, etc.) na girlash kung girlash ang outfit ng hitad — itsura ng nanay niyang si Mommy Eva Cariño ang ‘itsu’ ng lola mo dito dahil na-sight na namin siya sa shooting!

‘Yun na!

http://www.journal.com.ph/index.php?page=news&id=11367&sid=6&urldate=2006-09-06

http://forums.abs-cbn.com/82/696598/ShowThread.aspx

Advertisements