PATAY ANG ISANG TRICYCLE DRIVER MATAPOS PAGBABARILIN NG HINDI PA NAKIKILALANG MGA SUSPEK SA BARANGGAY DAAN SARILE, CABANATUAN CITY NUEVA ECIJA

ANG BIKTIMA AY KINILALANG SI ALAN ANTONIO 28 ANYOS AY NAGTAMO NG TAMA NG BALA SA IBAT-IBANG PARTE NG KATAWAN AT ISA SA ULO NA SYANG NAGING DAHILAN NG AGARANG PAGKAMATAY NITO.

AYON SA MGA RESIDENTE DITO HINABOL UMANO ANG BIKTIMA NG DALAWANG LALAKI SAKAY NG ISANG MOTORSIKLO AT NANG MAABUTAN SI ANTONIO AY WALANG AWA ITONG PINAGBABARIL NG MGA SALARIN. AGAD UMANONG TUMALILIS ANG MGA PUMASLANG MATAPOS ANG KRIMEN.

SOT: RENO TARUC. RESIDENTE NG DAAN SARILE, CABANATUAN CITY
TAPOS MAMAYA MAYA POM POM EH DE LUMABAS NAKO
TININGNAN KO MALINIS NAMAN TAPOS SABI NG PAMANGKIN KO MAY PATAY RON TAPOS LUMABAS NAKO YAN PATAY NA NGA

BATAY SA TALAAN NG PULISYA NAPAG-ALAMANG ANG BIKTIMA AY SANGKOT SA IBAT-IBANG URI NG KASO AT KAMAKAILAN LAMANG AY LUMAYA ITO MULA SA APAT NA TAONG PAGKAKABILANGGO DAHIL SA KASO NITO SA DROGA.

KAUGNAY NITO NAKUHA NAMAN ANG WALLET NI ANTONIO NA NAGLALAMAN NG MGA PERSONAL NITONG DOKUMENTO AT ISANG CASH CARD NG BANGCO DE ORO NA PAG-AARI NG NAGNGANGALANG JENNY GAJE, NA POSIBLE UMANONG MAY KINALAMAN SA MGA ILEGAL NITONG GAWAIN. MAGSASAGAWA NAMAN ANG PULISYA NG BUKOD NA IMBESTIGASYON UKOL DITO.

SA NGAYON AY INAALAM PA NG MGA ALAGAD NG BATAS KUNG ANO ANG MOTIBO AT KUNG SINO-SINO ANG MAY KINALAMAN SA NATURANG PAMAMASLANG

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

Advertisements