CG: PALAY DRYER, AYAW GAMITIN NG MGA MAGSASAKA DAHIL SA MATAAS NA PRESYO NG LANGIS

NAMOMROBLEMA ANG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA , SA HINDI PAGLAPIT SA KANILA NG MGA MAGSASAKA UPANG HUMINGI NG SUPORTA SA PAGPAPATUYO NG KANILANG INANING PALAY NGAYONG TAG-ULAN.

MARAMING MGA MAGSASAKANG UMANI NG PALAY SUBALIT NAG-TATAKA ANG SANGGUNIAN BAKIT HINDI LUMAPIT ANG ATING MGA MAGSASAKA PARA HUMIRAM NG FLAT BED DRYER..

AYON KAY BOARD MEMBER JOSEPH ORTIZ, ISANG DAHILAN UMANO AY ANG MATAAS NA PRESYO NG PETROLYO PARA SA PASILIDAD NA GAGAMITIN PANTUYO NG PALAY.

SOT. JOSEPH ORTIZ/ 4TH DISTRICT BOARD MEMBER

ANG SINASABI NGA NG DA ANG DAHILAN NILA MAHAL UNG GAS NA GINAGAMIT, MAHAL UNG GINAGAMIT KAYA DI NA NAGPUPUNTA

KARAMIHAN NGAYON SA MGA MAGSASAKA SA LALAWIGAN AY NAGTITIYAGA NA LANG SA PAGPAPATUYO NG PALAY SA MGA KALSADA. AT PAG MINALAS AABUTAN PA ITO NG TUBIG ULAN NA NAGING SANHI NG MABABANG KALIDAD AT PRESYO NITO SA TRADERS

SOT. JOSEPH ORTIZ/4TH DISTRICT BOARD MEMBER

MALAKI ANG ANI NGAYON NG MGA MAGSASAKA KASI MINSAN KASI ANG PRESYO UNG MGA MAGSASAKA MAY DINADAANANG TRADER KYA BUMABABA ANG PRESYO MARAMING FACTOR UNG PAGBABA NG PRESYO AT PAG TAAS

GIIT PA NI ORTIZ GINAGAWAN NGAYON NG PANLALAWIGAN ANG SOLUTION SA DI PAGLAPIT NG MGA MAGSASAKA NGAYON PARA SA FLAT BED DYER PARA LALONG MATULUNGAN ANG ATING MGA NOVO ECIJANO KAHIT SA MALIIT NA PARAAN.

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTV NEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTV NEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA.

CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements