KABATAAN NG NUEVA ECIJA, MAKIKINABANG SA BENTA NG COFFEE TABLE BOOK

SOT:THOMAS JOSON III /FORMER GOVERNOR OF NUEVA ECIJA

YUNG PERA PWEDENG HANAPIN PERO YUNG TATLONG TAON DUN SA BUHAY NG KABATAAN NA DAPAT NA MAKINABANG ANG PROGRAMANG ITO NAWALA PO LAHAT YON

NAGING EMOSYONAL ANG DATING GOBERNADOR NA SI THOMAS JOSON III SA ISINAGAWANG PAGLULUNSAD NG COFFEE TABLE BOOKS NA PINAMAGATANG NOW & BEYOND AT PRIDE AND LEGACY BOOK SA CABANATUAN CITY NUEVA ECIJA

AYON SA DATING GOBERNADOR NAHIHIRAPAN ANG KANYANG KALOOBAN SA NAKIKITA NYANG PAGPAPABAYA NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON SA MGA PROYEKTO NYANG NAPASIMULAN LALO NA ANG PARA SA MGA KABATAAN

KAUGNAY NITO MALAKI ANG MAITUTULONG NG MGA NASABING LIBRO SA TURISMO DAHIL NAKASULAT DITO ANG KASAYSAYAN NG NUEVA ECIJA AT ANG MGA LARAWAN NG MGA TANAWING MAIPAGMAMALAKI SA NASABING LALAWIGAN.

SOT:ROMMEL PADILLA/ NUEVA ECIJA BOARD MEMBER

NAPAKALAKING BAGAY NITO LALO NA SA TORISMO SAPAGKAT DI PA MAN SILA NAKARARATING SA LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA NAKIKITA NA NILA YUNG MAGAGANDANG TANAWIN.AT YUNG MGA KULTURA NG NUEVA ECIJA KUNG BAGA ONE STOP SHOP NA NANDITO NA SA LIBRONG ITO.

NANAWAGAN NAMAN ANG DATING GOBERNADOR NA SUPORTAHAN ANG MGA NASABING AKLAT DAHIL ANG PAGBIBILHAN NITO AY MAPAPAKINABANGAN DIN NG MGA KAPOS PALAD NA NOVOECIJANO

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLD WIDE AT ITO ANG BALITA

Advertisements