CG: MABABANG PRESYO NG BENTAHAN NG PALAY, INIREREKLAMO NG MGA MAGSASAKA

UNANG ARANGKADA PALAMANG NG ANIHAN SA NUEVA ECIJA AY UMAANGAL NA ANG MGA MAGSASAKA. ITO AY BUNSOD NG MABABANG PRESYO NG BENTAHAN NG PALAY SA KANILANG LUGAR ,HINDI UMANO MAKATURUNGAN ANG PRESYO NITO KUMPARA SA LAKI NG KANILANG GINASTOS

DOSE HANGGANG TRESE PESOS ANG PRESYO KADA KILO SA MGA PRIBADONG MAMIMILI SAMANTALANG ANG NFA NAMAN AY BUMIBILI NG DYESISYETE PESOS KADA KILO, SUBALIT AYAW NAMANG MAGBENTA NG IBANG MAGSASAKA DITO DAHIL DUMADAAN PA UMANO SA MAHABANG PROSESO

SOT:TATA NARDS / MAGSASAKA

PAG TINANGGAP NILA ANG IYONG ANI SILA ANG MAGBIILAD HIND MO ALAM KUNG ANU ANG NANGYAYARI DUN SA PALAY MO HIND MO NAMAN PEDENG BANTAYAN DUN TATAGAL NG BUWAN BAGO MO MAKULEKTA ANG PAGBIBILHAN NG PALAY MO

KAUGNAY NITO DAHIL SA PAGTAAS NG PRESYO NG FERTILIZER, NAPILITAN ANG MGA MAGSASAKA NA GUMAMIT NG MABABANG KALIDAD NG PATABA DAHILAN NAMAN NG PAGBABA NG KANILANG ANI, APEKTADO RIN NITO ANG MGA KABABAYAN NATING WALANG SARILING LUPANG SINASAKA AT UMAASA LAMANG SA PAKIKIGAPAS.

SOT:GIL SINUGBA/ NAKIKIPORSYENTO

KOMO NAKIKIPORSIYNTO LANG KMI MALIIT MALIIT DIN ANG AMING NAGIGING ORSIYENTO HIND NAKAKASAPAT NAKAKAUTANG KMI PARA SA PAGKAIN NAMIN . BABAYARAN ULI PAGKA DUMATING UNG ANIHAN BABAYARAN ULI NAMIN

STAND-UP

NANGANGAMBA ANG MGA MAGSASAKA NA KUNG HINDI BIBIGYANG PANSIN NG PAMAHALAAN ANG KANILANG HINAING AY HINDI SILA MAKAKABAYAD SA KANILANG MGA PAGKAKAUTANG AT TULUYAN NG MALUGMOK SA KAHIRAPAN.

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLD WIDE
GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA
CAMERAMAN:JOJO MATIAS

Advertisements