note po — SA BALER, AURORA PO


WASAK NA WASAK ANG TOYOTA HILUX NA GAMIT BILANG POLICE MOBILE PATROL NG MARIA AURORA MATAPOS MAKABANGGA NG ISANG TRICYCLE AT SUMALPOK SA PUNO NG AKASYA SA BRGY. BUHANGIN , BALER, AURORA.

DEAD ON ARRIVAL ANG LULAN NG TRICYCLE NA SI SHANE MARIE BANASAN DAHIL SA TINAMONG SUGAT SA ULO.

AYON SA NAKASAKSI, MABILIS ANG TAKBO NG MOBILE PATROL NA MINAMANEHO NG OFFICER IN CHARGE NG MARIA AURORA POLICE STATION NA SI ERWIN FABROQUES.

SOT. ERNESTO JACOB/SAKSI

NAKARINIG PO KAMI NG LAGABOG SA PUNO PAGLABAS PO NAMIN SA BAHAY NAKITA NA PO NAMIN TO NA NANDYAN NA SA PUNO NAKABALANTRA TAPOS MAY TRICYCLE INABOT NG KANYANG HULIHAN PATAY NA UNG BABAE

SA PAUNANG IMBESTIGASYON, LUMALABAS NA PAREHONG WALANG LISENSIYA ANG DALAWANG DRIVER NANG MAGANAP ANG INSIDENTE.

ANG ANGARA ST. SA BARANGAY BUHANGIN AY MATAGAL NANG ACCIDENT-PRONE AREA.

SOT. POLICE INSPECTOR BIENVENIDO HERNANDEZ/CHIEF OF POLICE BALER , AURORA

ACCIDENT PRONE UNG AREA NA YON KAYA NGA MAY MGA WARNING SIGN TAYO DUN NA TALAGA UNG LUGAR NA YON MEDYO PALIKO LALO NA KUNG TAG ULAN TALAGANG MADULAS UNG LUGAR NA YON

LIGTAS NA SINA EDMARK SIADING, DRIVER NG TRICYCLE, SAMANTALANG ANG SAKAY NG MOBILE PATROL NA SINA PO1 AMATORIO MACATIAG AT OIC ERWIN FABROQUES AY KASALUKUYANG GINAGAMOT SA AURORA PROVINCIAL HOSPITAL.

KAKASUHAN ANG DALAWANG DRIVER NG KASONG RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE AND DAMAGE TO PROPERTIES

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLD WIÞ

Advertisements