CG: MGA SEPULTURERO, MAHINA ANG KITA NITONG UNDAS

MALUNGKOT ANG UNDAS PARA SA MGA SEPULTURERO NG CABANATUAN CITY CEMETERY SA NUEVA ECIJA DAHIL SA KAKAUNTI ANG KANILANG KINITA KUMPARA NOONG NAKARAANG TAON.

BUKOD DITO INEREREKLAMO DIN NILA ANG MGA NAGPALINIS NG NITSO SUBALIT HINDI NAMAN SILA BINAYARAN.

SOT:MANG JESSIE/TAGAPAG-INGAT SA SEMENTERIO

KAKAUNTI LANG ANG AMING NASINGIL NGAYON,KAYA ABUNADO PA KAMI SA PINTURA NAMING GINAMIT,YUNG IBA NAGPALINIS TAPOS HINDI NA NAGBALIK.

MAHIRAP PARA SA KANILA ANG MAGLINIS AT MAGBANTAY NG LIBINGAN NG MGA PATAY SUBALIT KANILA ITONG TINITIIS DAHIL DITO NILA KINUKUHA ANG KANILANG IKINABUBUHAY,MAHIGIT ISANG DAAN LANG ANG UPA KADA BUWAN SA PAGLILINIS NG PUNTOD NG MGA MAY KAYA SA BUHAY.

SOT: MANG JESSIE/TAGAPAG-INGAT SA SEMENTERIO

KATULONG KO ASAWA KO AT SAKA MGA ANAK KO ITO ANG AMING PINAGKAKAKITAAN KAHIT MAHIRAP WALA KAMI MAGAGAWA

STAND-UP:

MAHIRAP MAN ANG BUHAY SAMANTALAHIN NATIN ANG PAGKAKATAON NA MAKAGAWA NG MABUTI SA ATING MGA KAPWA TAO LALO NA SA ATING MGA MAHAL SA BUHAY UPANG KANILANG MADAMA ANG ATING PAGMAMALASAKIT AT PAGMAMAHAL HABANG SILAY NABUBUHAY

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements