3 LALAKE, ARESTADO DAHIL SA ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS

ARESTADO ANG TATLONG LALAKI MATAPOS ITONG MAHULIHAN NG MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL SA ISINAGWANG CHECK POINT SA BARANGGAY STO ROSARIO STO DOMINGO NUEVA ECIJA .

KINILALA ANG MGA SUSPEK NA SINA DOUGLAS JAVIER NA SUSPEK DIN SA KASONG FRUSTRATED MURDER SUBALIT NAKAPAGPIYENSA; MICHAEL GUIRIBAN AT BERNARDO CARPIO.

NAKUMPISKA SA KANILA ANG ISANG M14 RIFLE, ISANG AK 47 RIFLE, DALAWANG KALIBRE 45 NA BARIL, BULLET PROOF VEST, 2 WAY RADIO AT MGA BALA.

SOT: POLICE SUPT EDGAR OKUBO/307 COMMANDING OFFICER

NAGSASAGAWA KAMI NG REGULAR NA CHECKPOINT DAHIL SA SECURITY SA UNDAS. PAGCHECK NAMIN SA SASAKYAN NILA ANDUN UNG MGA MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL.

AYON KAY POLICE SENIOR SUPERINTENDENT RICARDO MARQUEZ MAIBIBILANG MAN SILANG HIRED KILLER AT PRENOPROTEKTAHAN NG NASA MATAAS NA POSISYON NG PAMAHALAAN DAPAT ITONG MALAPATAN NG KAUKULANG KASO.

SOT: PSSUPT RICARDO MARQUEZ/ PROVINCIAL DIRECTOR

KAHIT NA SINO PA ANG MAY HAWAK SA KANILA O KUNG SINOMAN ANG NASA LIKOD NILA WALA TAYONG PINAPANIGAN.ANG PINAGUUSAPAN DITO AY ANG PROTEKSIYON AT KAPAKANAN NG MGA MAMAMAYAN D2 SA NUEVA ECIJA.

AYON NAMAN KAY GOV. AURELIO UMALI MARAMING MGA PULITIKO ANG TUMAWAG SA KANYA UPANG PAKAWALAN NA ANG 3 SUSPEK.

SOT.GOV. AURELIO UMALI/ PROVINCIAL GOVERNOR

TUMAWAG SI MAYOR, CONGRESSMAN, SENATOR GANU KALALAKAS ANG MGA NASA LIKOD NITONG MGA TAONG ITO KAYA MALAKAS LOOB NILA HUMAWAK NG MGA MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL

SA KASALUKUYAN AY NASA PIITAN NG GUIMBA DISTRICT JAIL ANG TATLONG SUSPEK. SAMANTALA PATULOY PA RIN PAGIIMBESTIGA NG MGA AWTORIDAD SA NATURANG KASO AT INAALAM PA KUNG SINU-SINO ANG ULO SA PANGYAYARI.

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

Advertisements