ALL-OUT WAR, IDINEKLARA LABAN SA ILLEGAL LOGGERS SA AURORA

ANG WALANG HABAS NA PAGPUTOL NG MGA PUNO SA KABUNDUKAN ANG ISA SA TINUTUKOY NA DAHILAN KUNG KAYAT NAKAKARANAS NG MATINDING PAGBAHA ANG IBAT-IBANG PARTE NG CENTRAL LUZON SA TUWING SUMASAPIT ANG TAG-ULAN.

DAHIL DITO NAGDEKLARA NG ALL-OUT WAR ANG PNP PROVINCIAL DIRECTOR NG LALAWIGAN NG AURORA LABAN SA MGA ILLEGAL LOGGERS.

AYON KAY POLICE SENIOR SUPERINTENDENT ROMEO TEOPE WALA UMANO SILANG KIKILINGAN KAHIT PA OPISYAL NG GOBYERNO ANG SANGKOT DITO.

SOT:PSSUPT ROMEO TEOPE/PROVINCIAL DIRECTOR

THIS IS A WHOLE FIGHT ALL OUT WAR NA KAMI SA ILLEGAL LOGGING , GAGALUGARIN NAMIN ANG BUNDOK LAHAT NG MAKIKITA NAMIN NA CHAINSAW MAY PERMIT O WALA HUMANDA SILA TALAGANG KUKUNIN NAMIN , AT KUNG GUSTO NILA KMING SUBUKAN MAGKAKASUBUKAN

AYON PA KAY TEOPE, LALO PA NILANG PAIIGTINGIN ANG OPERASYON KONTRA SA MGA ILLEGAL LOGGERS SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG MGA MILITAR SA KANILANG LUGAR LALO NA NGAYONG SANGKOT NA RIN UMANO ANG MGA REBELDENG NPA SA GANITONG GAWAIN.

SOT:PSSUPT ROMEO TEOPE/PROVINCIAL DIRECTOR

UMAAMIN AKO SA INYO NA SA MGA KAPULISAN DI NATIN MASASABI NA LAHAT NG MGA PULIS D2 SA AURORA AY MATITINO MERON PA RIN MGA PULIS NA NALALAGYAN PERO AT ALL MEANS HINAHANAP NAMIN YAN UPANG SA GAYON AY MABIGYAN NG IMMEDIATE ACTION AT KUNG KAILNGAN TANGALIN SA SERBISYO AY TATANGALIN NAMIN

GIIT PA NI TEOPE KUNG PATULOY NA MAKIKIPAGTULUNGAN ANG MGA MAMAMAYAN NG AURORA AY MAPAPABILIS ANG PAGHINA NG PWERSA NG ILLEGAL LOGGING SA LALAWIGAN.

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO MPARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements