EXCLUSIVE PO ITO

PATAY ANG ISANG LALAKE MATAPOS ITONG BARILIN SA ULO NG HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK SA BRGY. BITAS CABANATUAN CITY , LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA.

ANG BIKTIMA AY KINILALANG SI JHUNEMAR ONOPIA 20 ANYOS RESIDENTE NG BRGY, BAGONG FLORES LUPAO NUEVA ECIJA.

AYON KAY MANG RAMON NAKARINIG SIYA NG PUTOK AT NALAMAN NA LAMANG  NIYA NA MAY PATAY SA MAY TAPAT NG REPHIL GASOLINE STATION.

SOT. RAMON QUIJADA/ BRGY. KONSEHAL BITAS CABANATUAN CITY

PARANG PUMUTOK NG GOMA LANG EH , UN LAMANG ANG NARINIG NAMIN

AYON NAMAN KAY POLICE SENIOR INSPECTOR DANILO EDUARDO PAUWI NA ANG BIKTIMA GALING SA TINDAHAN BITBIT ANG PINAMILING YELO AT NESTEA NANG SIYA AY BARILIN.

SOT. PSINSP DANILO S EDUARDO/CHIEF INVESTIGATOR BRANCH

SANG-AYON DUN SA KAMAG-ANAK NA KUMILALA LANG SA KNYA NGAYON LANG KANI-KANINA LANG EH NAGPAALAM LANG SA KANYA UNG PINSAN NIYA NA BIBILI NG PAGKAIN SA LABAS

SA KASALUKUYAN AY PATULOY PA RIN ANG PAG-IIMBESTIGA NG MGA AWTORIDAD KUNG SINU-SINO AT KUNG ANO ANG MOTIBO SA NATURANG PAMAMASLANG

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA
CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements