ANG MAGAT DAM NA MATATAGPUAN SA LALAWIGAN NG ISABELA ANG ISA SA UNANG PINAKAMALAKING DAM SA TIMOG SILANGANG ASYA.

PANGINGISDA ANG ISA SA PANGUNAHING IKINABUBUHAY NG MGA MAMAMAYAN DITO. NGUNIT NGAYON AY MALAKI ANG PROBLEMANG KINAKAHARAP NG MGA MANGINGISDA

STAND-UP:

ANG MAKAPAL NA WATER LILY NA ITO ANG ISA SA PROBLEMA NG ATING MGA MANGINGISDA KUNG KAYAT KAKAUNTI NA LAMANG ANG ISDANG KANILANG NAHUHULI.

SOT:DOMINADOR PAGADUAN / TREASURER FEDERATION MAGAT DAM

MASYADONG POLLUTED NA ANG TUBIG AT MARAMING WATER LILY KAYA KAKAUNTI ANG NAHUHULING ISDA

PROBLEMA PA RIN ANG KAKULANGAN NG TAUHAN NG NATIONAL IRRIGA TION AUTHORITY PARA MAPABILIS ANG PAG-AALIS SA MGA WATER LILY.

SOT: EUNICE LAKADIN/WATER LILY BOYS

HALOS ARAW –ARAW KAMING NAGLILINIS D2. DATI 300 KMI NGAYON NAGBAWAS SILA 100 NA LANG TAMAD UNG IBA. INAAGAW NG WATER LILY ANG OXYGEN NA PARA SA MGA ISDA KAYA HIND LUMALAKI ANG MGA ITO AT KAKAUNTI ANG NAHUHULI

SA KASALUKUYAN AY PATULOY ANG PAGAALIS NG MGA WATER LILY PERO NAGREREKLAMO NA DIN ANG MGA NAGTRATRABAHO DITO DAHIL MAGDADALAWANG BUWAN NA UMANO SILANG HINDI PINAPASUWELDO

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements