NAALARMA ANG PAMAHALAAN NG NUEVA ECIJA DAHIL SA DUMADAMING BILANG NG NAMAMATAY SA DENGUE. MULA ENERO HANGGANG BUWAN NG OCTUBRE TAONG KASALUKUYAN AY UMABOT NA SA 1, 054 ANG DENGUE CASES, LABING PITO NAMAN DITO ANG NAMATAY NA .

AYON KAY ENGR. GREGORIO UMPAD PANGUNAHING DAHILAN NG PAGLAGANAP NG SAKIT NA DENGUE AY ANG MARUMING KAPALIGIRAN AT MGA NAIIMBAK NA TUBIG NA PINAMAMAHAYAN NG LAMOK NA NAGDADALA NG NASABING KARAMDAMAN.

SOT. ENGR. GREGORIO UMPAD/ HEAD, PROVINCIAL SANITARY DIVISION

SA REGION 3 # 1 TAYO SA NUMBER OF DEATHS KUNG ICOCOMPARE LAST YEAR MERON LANG TAYONG WALO UNG NAMATAY NUNG NAKARAAN

AYON PA KAY ENGR. GREGORIO NG PROVINCIAL SANITARY DIVISION AWARE ANG MGA NOVO ECIJANO SA LUMALAGANAP NA DENGUE SA LALAWIGAN SUBALIT PARANG BALEWALA LANG SA MGA ITO.

SOT. ENGR. GREGORIO UMPAD/ HEAD, PROVINCIAL SANITARY DIVISION

UNG SINTOMAS KC NG DENGUE SA NGAYON IBA NA IBA NA DI KAMUKHA DATI DUN MO MAKIKITA UNG 2-7DAYS NA NAGKAKAROON NG ON AND OFF NA LAGNAT .
NAGIGING BALE WALA NA PARANG OK LANG NA MAGKAROON NG PROBLEMA AT KUNG NAGKAKAROON LANG NG NAMATAY , MAGKASAKIT SAKA PA LANG NAG-UUMPISANG MAGSIPAGLINIS GANUN ANG NAGIGING SISTEMA NATIN D2 SA NUEVA ECIJA

PAYO NG MGA DOCTOR ANG PAGLAGANAP NG SAKIT NA ITO AY MAIIWASAN KUNG ANG LAHAT NG TAO AY MAGTUTULUNGAN AT GAGAWIN ANG KANILANG TUNGKULIN BILANG MABUBUTING MAMAMAYAN-ANG PAGLILINIS SA KANILANG MGA KAPALIGIRAN

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

Advertisements