NGAYONG PANAHON NG ANIHAN ANIMOY PALIGSAHAN O PAHABAAN NG MGA NAKABILAD NA PALAY SA MGA KALSADA. KANYA-KANYANG HARANG ANG INILALAGAY BATO , KAHOY AT IBA PA NA SIYANG ISA SA NAGIGING DAHILAN NG AKSIDENTE SA MGA MOTORISTA . ANG MASAMA PA NITO PATI NATIONAL HI-WAY PINAGBIBILARAN NA RIN NG PALAY DITO SA LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA

AYON SA MGA MAGSASAKA BUNSOD UMANO ITO NG KAWALAN NILA NG FLAT BED DRYER NA PWEDE NILANG GAMITIN SA PAGBIBILAD NG PALAY.

SOT. ANNALISA BERNARDINO/ NAGBIBILAD NG PALAY SA KALSADA

EH KC PO WALA KMING MAPAGBILARAN NA MAAYOS NG PALAY DUN SA AMIN KAYSA KAMI SA LONA MAGBILAD MAS GINUGUSTO PA NAMIN D2 SA SEMENTO PARA MATUYO KAAGAD

NORMAL NA SA MGA MAGSASAKA ANG MAGBILAD NG PALAY SA KALSADA O SA MGA HI-WAY . BAGAMAT ALAM NILANG BAWAL ITO AT DELIKADO SA MGA MOTORISTA WALA UMANO SILANG MAGAGAWA DAHIL WALA SILANG MAPAGBIBILARAN NG KANILANG INANING PALAY.

SOT. ANNALISA BERNARDINO/ NAGBIBILAD NG PALAY SA KALSADA

ALAM NAMAN PO NAMIN EH KAYA LANG PO UNG DAHIL NGA SA KAHIRAPAN NGAYON NG BILARAN NAINTINDIHAN NA RIN NG MGA NAGDADAAN. KUNG WALA KANG BILARAN DADAYO NA LAMANG SA KALSADA

AYON NAMAN KAY COL. MARLON BINGCANG DAPAT IPAGBAWAL ANG PAGBIBILAD NG PALAY SA MGA KALSADA DAHIL ABALA ITO AT MARAMI NANG NAAAKSIDENTE DAHIL DITO.

SOT: P/SUPT.MARLON BINGCANG /CHIEF OF POLICE GAPAN CITY

DAPAT EH THIS PEOPLE AY ENCOURAGE NAMIN NA MAGBILAD NA LANG NG PALAY SA MGA LONA SA LUGAR NILA HANAP CLA NG PWEDENG MAPAGBILARAN DAHIL ANG KALSADA HIND BILARAN NG PALAY PARA GAWIN YAN . TALAGANG PARA SA MGA MOTORISTA YAN DI BA?

DAGDAG PA NI BINGCANG CRIME PREVENTION IS EVERY BODIES CONCERN LAHAT TAYO AY MAGBIGAY NG SUPORTA SA PULIS PARA RIN SA KALIGTASAN NG MGA NOVO ECIJANO .

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements