ISINUSULONG NG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY ANG ORGANIC FARMING . BUNSOD UMANO ITO NG MATAAS NA PRESYO NG ABONO SA PAGSASAKA AT SAKIT NA DULOT NG KEMIKAL NA ABONO AT PESTISIDYO

AYON KAY DR. PEDRITO NITURAL NAGIGING MATIGAS AT TIGANG ANG LUPANG PATULOY NA PINATATABA NG MGA KEMIKAL NA ABONO. MAS MAKAKATIPID AT MABABA ANG GAGASTUSIN KUNG GAGAMIT NG ORGANIC FARMING.

SOT. DR. PEDRITO S. NITURAL/ DEPT. CHAIR CROP SCIENCE COLLEGE OF AGRICULTURE CLSU

ITO AY ATIN NG DINIDISCOURAGE NGAYON DAHIL SA ALAM NATIN NA KEMIKALS AY MAY MASAMANG EPEKTO SA ATING KALUSUGAN MARAMI NG STUDY NA GINANAP AT ANG FINDING NILA NAGIGING DAHLAN NG CANCER O SAKIT

AYON SA NATIONAL CANCER SOCIETY, ANG PESTICIDES AY PANGATLO SA MAY PINAKAMARAMING SANHI O KASO NG KANSER SA BUONG MUNDO. KARAMIHAN SA MGA APEKTADO NITO AY MGA DAYUHANG NAGTATRABAHO BILANG TAGA-ANI NG GRAPES, NA GINAGAMITAN NG PESTICIDES NA NAGMUMULA SA EROPLANO. MAAARI RIN ITONG MAKUHA SA PAGKAIN NG PRUTAS AT GULAY NA KONTAMINADO NITO.

SOT. DR. PEDRITO S. NITURAL/ DEPT. CHAIR CROP SCIENCE COLLEGE OF AGRICULTURE CLSU

NUTRITION WISE SAKA HEALTHY WISE TALAGANG LIGTAS KC WALANG KEMIKAL NA INVOLVE D2 SA GINGAWANG ORGANIC VEGETABLE PRODUCTION

ANG MUNDONG GINAGALAWAN NATIN NGAYON AY HINDI NA LIGTAS. ANG MGA KINAKAIN NATIN, MAGING ANG MGA GULAY AT PRUTAS AY MAY MGA KEMIKAL NA, DI NA RIN TAYO LIGTAS SA HANGIN AT TUBIG, AT KAHIT SAAN TAYO MAGPUNTA AY NANGANGANIB TAYO.

PAYO NG MGA DOCTOR. IWASAN O BAWASAN ANG PAGKAIN NG MGA PAGKAING HINDI NATURAL NA NAKIKITA SA KALIKASAN, SA KADAHILANANG ITO AY NAGTATAGLAY NG TOXIN NA UNTI-UNTING LUMALASON SA ATING KATAWAN. HIGIT SA LAHAT PREVENTION IS ALWAYS BETTER THAN CURE!

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements