STAND UP:

AYON KAY DR. JOSE RIZAL ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN. SUBALIT SABI NAMAN NG ILAN NAKASALALAY SA MGA GURO ANG KANILANG KINABUKASAN

NGUNIT PAANO NALANG KUNG ANG MGA GURO MAWAWALAN NA NG GANANG MAGTURO DITO SA PILIPINAS AT PIPILIIN NANG MANGIBANG BANSA.

MATAGAL NA KASING NAGSUSUMAMO ANG MGA GURO SA PAMAHALAAN UPANG MADAGDAGAN ANG KANILANG BUWANANG SAHOD.

PERO HANGGANG NGAYON HINDI PARIN UMUUSAD SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO ANG PANUKALANG DAGDAG SAHOD SA MGA GURO.

DITO SA NUEVA ECIJA, NASA SAMPUNG LIBO LAMANG ANG BUWANANG SAHOD NG MGA GURO NA AYON SA KANILA HINDI NAKAKASAPAT SA KANILANG PANGANGAILANGAN.

MAGKAGAYUNMAN UMAASA PARIN ANG DEP-ED CABANATUAN NA MATUTUPAD ANG KAHILINGAN NG MGA GURO.

ISANG PAGTITIPON ANG KANILANG GINANAP UPANG KAMUSTAHIN ANG MGA GURO, AT HIKAYATING MANATILI SA SINIMULANG PROPESYON.

SOT. MALCOLM S. GARMA/ SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT, DEPED DIVISION OF CABANATUAN CITY

WELL ANG PURPOSE NG TITSER CONGRESS NA ITO TULAD NG NAKARAANG TAON AY UPANG BUHAYIN NATIN UNG DIGNIDAD NG ATING MGA KAGURUAN SAPAGKAT ALAM NMAN NATIN NA MARAMI SA GURO NATIN NGAYON NA NAKAKAISIP NA UMALIS SA PROFESSION DAHIL SA MARAMING KADAHILANAN KATULAD NG HIRAP SA BUHAY

ISA SI MUNTINLUPA CONGRESSMAN RUFFY BIAZON
SA SUMUSUPORTA PARA SA DAGDAG SAHOD NG MGA GURO.

SOT. CONGRESSMAN RUFFY B. BIAZON/ LONE DISTRICT OF MUNTINLUPA

IMPORTANTE SA MGA PANAHON NA ITO AY NAGKAKAROON ANG PAMAHALAAN NG EFFORT NA MAENTISE ANG ATING MGA TITSER NA MANATILI DITO SA BANSA AT PANGALAWA AY BIGYAN DIN NG INSENTIVE ANG ATING IBANG MGA KABABAYAN NA PUMASOK SA PROFESSION NG TITSER DAHIL MAHALAGA YAN SA ATINGBANSA NA MAIDEVELOP NATIN ANG HUMAN RESOURCE AT WALANG IBANG GAGAWA NYAN KUNDI ANG GURO

STAND UP:

MARAMING MAGAGALING NA GURO DITO SA PILIPINAS SUBALIT DAHIL SA LIIT NG SWELDO ANG ILAN SA KANILA AY NAKIKIPAGSAPALARAN SA IBANG BANSA, NA ANG NAKIKINABANG SA KANILANG KAALAMAN AY ANG MGA BANYAGA.

CLOSING:

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE
GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

CAMERAMAN: JOJO MATIAS

Advertisements