SA HALIP NA SAYA LUNGKOT ANG MAKIKITA SA MGA TINDERA DITO SA CABANATUAN CITY NUEVA ECIJA,AYON SA MGA TINDERA KAKAUNTI ANG MGA NAMILI NGAYON TO KUNG KAYAT MAHINA ANG KANILANG BENTA NGAYONG HOLIDAY SEASON KUMPARA NG NOONG NAKARAANG TAON.

KUNG DATI ISINASARA ANG KALSADA NG PALENGKE DAHIL SA DAMI NG MGA MAMIMILI PERO NGAYON BUKAS NA ANG KALSADA AT MALAYA NG NAKADADAAN ANG MGA SASAKYAN DITO.

DAHIL SA HIRAP NG BUHAY MARAMI SA ATING MGA TINDERA ANG DUMADAING DAHIL SA MATUMAL NA BENTAHAN , AT DAHIL SA LIIT NG KINITA ANG PASKO AY MAITUTURING NA ISANG ORDINARYONG ARAW NA LAMANG

SA KABILA NG PAGPAPAALALA NG DEPARTMENT OF HEALTH PATOK PA RIN SA MGA NOVO ECIJANO ANG MGA PAGKAING MATATABA AT MATAAS SA CHOLESTEROL.

KATUNAYAN MABENTA NGAYON ANG MGA IHAWAN DITO SA CABANATUAN

HINDI NAMAN IPINAGBABAWAL ANG MGA GANITONG PAGKAIN PINAAALALAHANAN ANG PUBLIKO NA MAG HINAY-HINAY SA PAGKAIN DAHIL TUMATAAS ANG MGA KASO NG ALTA PRESYON AT FOOD POISONING SA TUWING SUMASAPIT ANG GANITONG PANAHON.

STAND-UP:
NGAYONG HOLIDAY SEASON PAALALA NG MGA DOKTOR SA ATING MGA KASAMBAHAY MASARAP KUMAIN SUBALIT KAILANGAN DIN NATING PANGALAGAAN ANG ATING KALUSUGAN.

Advertisements