NAGSIMULA NA ANG PAG-AANI NG SIBUYAS SA BAYAN NG BONGABON NUEVA ECIJA PERO ANG MGA ANI, MAHIRAP IBENTA SA MGA MERKADO LALO NA ANG MGA MALILIIT NA URI NG SIBUYAS NA MAHINA ANG RESISTENSYA SA INIT.
STAND UP:
DAHIL SA SOBRANG INIT NG PANAHON ANG DULO NG MGA DAHON NG SIBUYAS AY NATUYO NA NAGIGING DAHILAN NG PAGBABA NG KANILANG ANI.
BUKOD DITO SINISIRA DIN NG PESTE ANG MGA SIBUYAS KAYA KINAKAILANGAN PANG MAGDAGDAG ANG MGA MAGSASAKA NG MGA PESTISIDYO.
SOT. RODOLFO NIGOS/MAGSASAKA
KATULAD NUNG MGA LUMIPAD NA PARO-PARO MALIIT EH YAN PO AY ISA RING KUMAKAIN RIN SILA NUNG LAMAN NG SIBUYAS YUNG DAHON KAYA OBLIGADO PONG MAGSPRAY KAMI PARA INSEKTICIDE
MASWERTE NAMAN ANG MGA MAGSASAKANG MAAGANG NAGTANIM AT NAKAPAG-ANI NA NOONG MGA BUWANG HINDI PA MASYADONG MAINIT.
SOT. MARCOS GALANG/MAY-ARI NG SIBUYASAN
EH KASI NUNG NAKARAAN NAKA 400 LANG AKO RITO NGAYON MAHIGIT 700 EH UNANG UNA MAAGA AKONG NAGTANIM DECEMBER 29 MALAMIG PA KAYA UN ANG GUSTONG GUSTO NG SIBUYAS
STAND UP:
HUMIGIT KUMULANG 80% ANG NAIDAGDAG SA KANILANG ANI DAHIL SA PAGGAMIT NG ORGANIC FERTILIZER
CLOSING:
GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE
GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA.

Advertisements