KUNG SI FERNANDO POE AY HARI NG PELIKULA AT SI DOLPHY AY HARI NG KOMEDIA DITO NAMAN SA CABANATUAN CITY LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA MGA TRICYCLE DRIVER ANG HARI NG KALSADA

MAHIGIT TATLUMPUNG LIBO ANG BILANG NG MGA TRICYCLE NA NAKATALA SA SYUDAD NG CABANATUAN KUNG KAYAT TINAWAG ITONG TRICYCLE CAPITAL OF THE PHILIPPINES

MAY MGA TRICYCLE DRIVER NA MAGAGALANG AT MERON DIN NAMANG PASAWAY SA LANSANGAN,KAYA KADALASAN MGA AKSIDENTE DITO SILA ANG PINANGGAGALINGAN

MAHIRAP ANG ARAW-ARAW NA PAMAMASADA DAHIL BUKOD SA MAHABA NA ANG PILA HINDI PA PAREPAREHO ANG KANILANG KINIKITA

NGAYONG PUMASOK NA ANG TAON 2009 MAHIRAP MAN ANG BUHAY AY HINDI PARIN SILA NAWAWALAN NG PAG-ASA,KAYA KAHIT MALIIT ANG KANILANG KINIKITA NAGTITIYAGA ANG ATING MGA BIDA MABIGYAN LAMANG NG MAGANDANG BUKAS ANG KANILANG PAMILYA

Advertisements