NAGSAGAWA NG SWINE FLU A(H1N1) VIRUS SUMMIT ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE, DEPARTMENT OF INTERIOR LOCAL GOVERNMENT,PROVINCIAL VETERINARIANS OFFICE AT PROVINCIAL HEALTH OFFICE PARA PAG-USAPAN KUNG PAPAANO MAGING LIGTAS AT MAGKAROON IMPORMASYON TUNGKOL SA SAKIT NA ITO.

AYON KAY DRA. IRENE CANLAS OIC NG REGIONAL EPEDIMIOLOGY SERVICE UNIT KAILANGAN NG MGA TAO NA MAGKAROON NG TAMANG INPORMASYON ANG TAONG BAYAN SA KUMAKALAT NA SAKIT PARA MALAMAN KUNG PAPAANO MAIWAS SA A(H1N1) VIRUS

SOT. DRA. IRENE P. CANLAS/ OIC – REGIONAL EPEDIMIOLOGY SERVICE UNIT

WE HAVE TO DO THIS FOR THE COMMUNITY. WE SHOULD KNOW WHAT WILL OUR COMMUNITY MUST DO FOR THEIR HEALTH . SA BAGAY NA ITO PREPARED NAMAN ANG MGA HOSPITALS NATIN AT ANG KAGANDAHAN NITO SUPORTADO ANG ATING PAMAHALAAN.

ANG ILAN SA SINTOMAS NG HUMAN INFLUENZA A (HIN1)VIRUS AY ANG SIMPLENG LAGNAT , TRANGKASO, SIPON, MASAKIT ANG LALAMUNAN, NAGSUSUKA AT PAGTATAE.

SOT. DR. BENJAMIN LOPEZ/PROVINCIAL HEALTH OFFICE

HINDI MAN TAYO 100% HANDA SA MGA KAILNGAN FOR THAT VIRUS AT LEAST MAY MGA GAMIT NA TAYO.

AYON NAMAN KAY ATTY. ALEJANDRO ABESAMIS PROVINCIAL ADMINISTRATOR WALANG SINTOMAS ANG BINABALEWALA AT SINISIGURO NA ANG SINO MANG NAKIKITAAN NG SINTOMAS AY AGARANG BINIBIGYAN NG KAUKULANG PREBENSIYON.

SOT. ATTY. ALEJANDRO ABESAMIS PROVINCIAL ADMINISTRATOR
MAY BUDGET ANG ATING PAMAHALAAN PARA SA MGA GANUNG KASO. HINDI KO LANG ALAM KUNG MAGKANO UNG EXACT AMOUNT.

AYON PA SA MGA EKPERTO KUNG NAKAKARAMDAM MAN TAYO ALINMAN SA MGA SINTOMAS NA NABANGGIT AY AGAD TAYONG MAGPAKUNSULTA SA ATING MGA DOCTOR PARA MAKAIWAS TAYO.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA SA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

Advertisements