SUSPINDIDO ANG KLASE MULA FIRST YEAR HANGGANG FOURTH YEAR NG SPECIAL CLASS NG JUAN R LIWAG HIGH SCHOOL DITO SA GAPAN, NUEVA ECIJA/ MATAPOS LAGNATIN ANG KALAHATI SA MGA ESTUDYANTE NITO.

SOT. MRS. FELISA VILLAMOR/TEACHER III ADVISER ADVANCE PHYSICS.
TINAWAG NAMIN UNG MGA PARENTS AT SILA MISMO SINADGEST A RIN NILA IREST MUNA NILA UNG MGA BATA.

SA KABILA NG SUSPENSYON NG KLASE, MAY IBANG SENIORS PA RING NAGPUPUMILIT PUMASOK PARA TAPUSIN ANG KANILANG THESIS.

SOT: JADE CYRUS PINTOR/ 4TH YEAR STUDENT
UNG SA RESEARCH PROPOSAL UNG TINUTULOY PA PO NAMIN UNG MGA PROJECT NAMIN MALAPIT NA PO UNG DEADLINE NITO KAYA KAILANGAN PA PO NAMING PUMASOK PARA MATAPOS ITONG MABILIS

PARA NAMAN SA MGA HINDI KABILANG SA SPECIAL CLASS, TULOY PA RIN ANG REGULAR CLASSES PERO MAY MAHIGPIT ANG PAGMAMANMAN NG KANILANG SCHOOL NURSE.

SOT. MA. CRISTINA ANGELES/SCHOOL NURSE
NUNG PASUKAN PAG MAY LAGNAT KAILANGAN UUWE NA SILA PARA MAKAPAGPAHINGA AT MAKAINOM NG GAMOT.

PARA MAKABAWI ANG MGA ESTUDYANTE SA ILANG ARAW NA WALANG KLASE, MAGLALAAN ANG PAARALAN NG APAT NA SABADO PARA SA MAKEUP CLASSES.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

Advertisements