ALAS SINGKO NG MADALING ARAW KAHAPON/ GAYA NANG NAKAGAWIAN, HAHATIDAN SANA NG KAPE NI ALING MERCEDES ANG KANYANG KAIBIGAN NA SI MANG EFREN MAINGAY.

PERO NANG MADATNAN NYA ITO SA WAITING SHED NG NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL CABANATUAN CITY, ISA NA ITONG MALAMIG NA BANGKAY.

SOT. MERCEDES LA PIÑAS/UTILITY NG FREEDOM PARK

KAKO BAGO AKO MAGWALIS EH MAKAINOM MAN LANG NG KAPE AT MAKAKAIN KASI IINOM SIYA NG GAMOT NUNG HIPUIN KO MATIGAS NAMAN NA MALAMIG.

DALAWANG BESES NA RAW NG ISINUGOD SA OSPITAL SI MANG EFREN ILANG BUWAN NA ANG NAKARAAN DAHIL SA KANYANG MADALAS NA PAG-UBO AT PAGSUSUKA NG DUGO. PERO IIMBESTIGAHAN PA RIN NG OTORIDAD ANG TUNAY NA DAHILAN NG PAGKAMATAY NITO.

SOT. PO2 ADRIAN RAMOS/INVESTIGATOR

PAPAAUTOPSY NATIN PARA MADETERMINE NATIN ANG REAL CAUSE OF DEATH NIYA

WALANG PAMILYA SI MANG EFREN DITO SA NUEVA ECIJA AT PANSAMANTALANG NAKALAGAK ANG KANYANG MGA LABI SA RBN FUNERAL HOMES DITO SA LUNGSOD.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

Advertisements