KUNG ANG ILAN AY GUSTUNG-GUSTO NANG MATULOY ANG POLL AUTOMATION SA 2010, NANGANGAMBA NAMAN ANG MGA KATUTUBO DITO SA NUEVA ECIJA NA BAKA ITO PA ANG MAGING PARAAN PARA SILA AY MADAYA.

DITO SA BARANGAY DONA JOSEFA, MAHIGIT TATLONG DAANG AETA ANG REHISTRADO NA SA COMELEC/ PERO MARAMI SA KANILA AY HINDI NAKAPAG-ARAL/ AT HINDI MARUNONG GUMAMIT NG MGA MAKINANG NAKATAKDANG GAMITIN KUNG MATUTULOY ANG AUTOMATION.

BAGAMAT HANDA NAMAN DAW NA MAG-ASSIST ANG MGA KAPWA NILA KATUTUBO NA NAKAPAG-ARAL, HINDI PA RIN MAPAWI-PAWI ANG KANILANG PANGAMBA.

GUSTONG MAKASIGURO NG MGA KATUTUBO NA HINDI MASASAYANG ANG KANILANG MGA BOTO/
MAS MAKABUBUTI UMANO SA KANILA NA MATURUAN AT MASANAY NG MGA GOVERNMENT AGENCIES BILANG PAGHAHANDA SA AUTOMATED ELECTIONS.

AT DAHIL NA RIN SA DI MATAPUS-TAPOS NA ANOMALYANG KINASASANGKUTAN NG ILANG PULITIKO, MAS TATALINUHAN NA RAW NILA NGAYON ANG KANILANG PAMIMILI NG ILULUKLOK SA PWESTO.

SOT. CARLITO SORIA/VICE CHAIRMAN BRGY DONA JOSEFA

KUNG BAGA NAG AASIST SA MGA DI NAKAKABASA NA MGA AETAS SILA ANG NAGPAPALIWANAG KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN PARA HINDE KAMI BASTA MALOKO NG KAHIT NA SINO

SOT. MANG NANDING/AETA

SA NGAYON MAM WALA PA PO KAMING NAPIPISIL KUNG BAGA PINAG AARALAN PA PO NAMIN KINIKILITASIS PA PO NAMIN UNG MGA NAPAPANOOD PO NAMIN NA TATAKBONG PRESIDENTE AT VICE PRESIDENTE

Advertisements