Search

Gideon Miranda

gideonmiranda.wordpress.com

ISANG MAMA NATAGPUANG PATAY SA TAPAT NG ESKWELAHAN

ALAS SINGKO NG MADALING ARAW KAHAPON/ GAYA NANG NAKAGAWIAN, HAHATIDAN SANA NG KAPE NI ALING MERCEDES ANG KANYANG KAIBIGAN NA SI MANG EFREN MAINGAY.

PERO NANG MADATNAN NYA ITO SA WAITING SHED NG NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL CABANATUAN CITY, ISA NA ITONG MALAMIG NA BANGKAY.

SOT. MERCEDES LA PI√ĎAS/UTILITY NG FREEDOM PARK

KAKO BAGO AKO MAGWALIS EH MAKAINOM MAN LANG NG KAPE AT MAKAKAIN KASI IINOM SIYA NG GAMOT NUNG HIPUIN KO MATIGAS NAMAN NA MALAMIG.

DALAWANG BESES NA RAW NG ISINUGOD SA OSPITAL SI MANG EFREN ILANG BUWAN NA ANG NAKARAAN DAHIL SA KANYANG MADALAS NA PAG-UBO AT PAGSUSUKA NG DUGO. PERO IIMBESTIGAHAN PA RIN NG OTORIDAD ANG TUNAY NA DAHILAN NG PAGKAMATAY NITO.

SOT. PO2 ADRIAN RAMOS/INVESTIGATOR

PAPAAUTOPSY NATIN PARA MADETERMINE NATIN ANG REAL CAUSE OF DEATH NIYA

WALANG PAMILYA SI MANG EFREN DITO SA NUEVA ECIJA AT PANSAMANTALANG NAKALAGAK ANG KANYANG MGA LABI SA RBN FUNERAL HOMES DITO SA LUNGSOD.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

GRACE DOCTOLERO PARA UNTVNEWS WORLDWIDE AT ITO ANG BALITA

Advertisements

DRUG PUSHER AT DATING PULIS NAHULI NG MGA OTORIDAD EDITED

ISANG DATING PULIS ANG HINULI NG MGA OTORIDAD SA BARANGAY MS. GARCIA DITO SA CABANATUAN CITY DAHIL SA UMANOY PAGTUTULAK NG DROGA.

AYON KAY POLICE CHIEF INSPECTOR ARNOLD PALOMO, SI ROMEO, ALYAS SUROT O HEPE AY KASAMA SA 23 NA NASA BADAC LIST NG BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL NG BRGY. MS GARCIA.

SOT. POLICE CHIEF INSPECTOR ARNOLD PALOMO/CHIEF, PROVINCIAL SPECIAL REACTION TEAM

NUNG MALAMAN NAMIN UN NA SINUBJECT NAMIN SIYA SA CASING SURVEILLANCE NUNG MAPATUNAYAN NA TOTOO UNG REPORT SO GUMAWA KMI NG MODE OF OPERATION WHICH IS BUY BUST OPERATION .

BAGAMAT MARIIN ITONG ITINANGGI NG SUSPEK, NAKUHA NAMAN SA KANYA ANG TRANSPARENT PLASTIC SACHET NG METHAMPHETAMINE HYDROCHLORIDE, SUSPECTED SHABU AT LIMANG DAANG PISO.

SOT. ROMEO DE BELEN/SUSPEK DRUG PUSHER
HINDI TOTOO UN NUNG DUMATING AKO GALING BANTUG EH , MGA 8 CGURO BIGLANG BIGLA SINAKBAT AKO WALA NA KO NAGAWA.

STAND UP:
CLOSING SPIEL:

AYON PA KAY MAJOR PALOMO KUNG PATULOY NA MAKIKIPAGTULUNGAN ANG MAMAMAYAN NG MS GARCIA LALONG MAPAPABILIS ANG PAGSUGPO SA MGA DRUG PUSHERS.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

8 SECTION SCIENCE CLASS NG JUAN R LIWAG HIGH SCHOOL SUSPENDIDO

SUSPINDIDO ANG KLASE MULA FIRST YEAR HANGGANG FOURTH YEAR NG SPECIAL CLASS NG JUAN R LIWAG HIGH SCHOOL DITO SA GAPAN, NUEVA ECIJA/ MATAPOS LAGNATIN ANG KALAHATI SA MGA ESTUDYANTE NITO.

SOT. MRS. FELISA VILLAMOR/TEACHER III ADVISER ADVANCE PHYSICS.
TINAWAG NAMIN UNG MGA PARENTS AT SILA MISMO SINADGEST A RIN NILA IREST MUNA NILA UNG MGA BATA.

SA KABILA NG SUSPENSYON NG KLASE, MAY IBANG SENIORS PA RING NAGPUPUMILIT PUMASOK PARA TAPUSIN ANG KANILANG THESIS.

SOT: JADE CYRUS PINTOR/ 4TH YEAR STUDENT
UNG SA RESEARCH PROPOSAL UNG TINUTULOY PA PO NAMIN UNG MGA PROJECT NAMIN MALAPIT NA PO UNG DEADLINE NITO KAYA KAILANGAN PA PO NAMING PUMASOK PARA MATAPOS ITONG MABILIS

PARA NAMAN SA MGA HINDI KABILANG SA SPECIAL CLASS, TULOY PA RIN ANG REGULAR CLASSES PERO MAY MAHIGPIT ANG PAGMAMANMAN NG KANILANG SCHOOL NURSE.

SOT. MA. CRISTINA ANGELES/SCHOOL NURSE
NUNG PASUKAN PAG MAY LAGNAT KAILANGAN UUWE NA SILA PARA MAKAPAGPAHINGA AT MAKAINOM NG GAMOT.

PARA MAKABAWI ANG MGA ESTUDYANTE SA ILANG ARAW NA WALANG KLASE, MAGLALAAN ANG PAARALAN NG APAT NA SABADO PARA SA MAKEUP CLASSES.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

EXCLUSIVE 2 DRUG PUSHER NASAKOTE SA CABANATUAN CITY

ISA NA NAMANG DRUG PUSHER ANG NAHULI DITO SA BRGY. MS GARCIA CABANATUAN CITY NUEVA ECIJA.

SA DALAWANG MAGKAHIWALAY NA OPERASYONG IKINASA NG MGA PULIS, NAHULI SA AKTONG NAGTUTULAK NG SHABU SINA EMELITO ALONZO NG BRGY IMELDA AT LIEZEL BERNARDO NG BRGY MS GARCIA.

BAGAMAT KADALASANG NAGTATAGUMPAY ANG MGA ANTI-DRUG OPERATIONS NG PULISYA, PINOPROBLEMA NI POLICE CHIEF INSPECTOR PALOMO HINDI PAKIKIISA NG ILANG BARANGAY OFFICIALS.

SOT. FLORENTINA CONCEPCION/BARANGAY KAGAWAD
SIGURO EH LAGING MAY UGNAYAN ANG BUSTER PHIDEA OR ANY MGA KUNG BAGA EH ITONG MGA NAGSESEARCH NA TOH

3km lakarin ng mga student

laur, nueva ecija

MEDICAL PRACTIONERS SA MILITAR PROBLEMA!

ISA SA NAKIKITANG PROBLEMA NGAYON NG MILITAR ANG PAGKAUBOS NG MEDICAL PRACTIONERS NG GRUPO. DAHIL KASI SA HIRAP NG BUHAY, MARAMING MGA SUNDALONG DOKTOR ANG MAS PINIPILING MANGIBANG-BAYAN.

SOT. LTGEN. DELFIN BANGIT/COMMANDING GENERAL OF THE PHILIPPINES AFP
SA KANILANG PAKIKIPAGTUNGGALI SA KANILANG KAAWAY AT SA PAGGAWA NG KANILANG MISSION DAPAT HI LEVEL OF ECCELENCY ANG KANILANG IPINAPAKITA

BALIK NA SA NORMAL ANG JAEN NE MATAPOS ANG H1N1

HINDI NADAGDAGAN NG KASO NG H1N1 VIRUS ANG LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA, ANG ILAN SA MGA ITO AY NAKAREKOBER NA RIN AT NORMAL NANG NAMUMUHAY.

SUBALIT PATULOY PA RIN ANG PAGSUPORTA NG PAMAHALAAN LALO NA SA MGA BAYAN NA APEKTADO NITO.

AYON KAY GOVERNOR AURELIO UMALI SUPORTADO NG PAMAHALAAN KAHIT SA MALIIT NA PARAAN AY MABIGYAN NG GAMOT , PAGKAIN AT PERA PARA SA MGA TAONG APEKTADO DITO.LALO NA ANG MGA TRICYCLE DRIVERS.

SOT. GOV. AURELIO UMALI/ NUEVA ECIJA GOVERNOR

SIGURO ICOCONVIN KO UNG GRUPO EH TINGNAN KO KUNG PANO NATIN MATUTULUNGAN ITO IM NOT PROMISING ANYTHING

AYON PA KAY UMALI KAHIT SA NUEVA ECIJA UNANG NAGKAROON NG COMMUNITY H1N1 OUTBREAK HINDI NAMAN UMANO APEKTADO ANG TURISMO DITO.

SOT. GOV. AURELIO UMALI/ NUEVA ECIJA GOVERNOR

EH TULOY TULOY NAMAN HINDI NAMAN ANG IMPORTANTE KASI DITO IT IS BEING HANDED PROPERLY.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

CONTROVERSIAL NA SCHOOL BAGS

MULING PINAGUSAPAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN ANG BUDGET PARA SA EDUKASYON. PANGUNAHIN NA DITO ANG CONTROVERSIAL NA SCHOOL BAGS NA IPNAMIMIGAY SA MGA MAG-AARAL.

NAGING MAINIT ANG PAG-UUSAP NG MGA SP O SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA SESYONG ISINAGAWA SA LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA.

AYON KAY VICE-GOVERNOR EDWARD JOSON MAY BAHID PULITIKA ANG PAMIMIGAY NG MGA SCHOOL BAGS SA MAG-AARAL SA LALAWIGAN.

SOT. VICE GOVERNOR EDWARD THOMAS JOSON/VICE GOVERNOR
PAMPOLITIKANG PROJECTO SABI KO NGA MAS MARAMI SANANG MAS MAKABULUHANG PROYEKTO NA PEDENG PAGKAGASTAHAN UNG 20 MILYON KAYSA IBIGAY MO NA SCHOOL BAG SA MGA BATA

NAGTATAKA NAMAN SI ATTY. BOKAL ABESAMIS KUNG PAPANU NAGKAROON NG SCHOOL BAGS NA SAMPLE NA IPINAKITA SA SANGGUNIAN DAHIL ANG MGA BAGS AY NAIPAMAGINAY NA SA MGA BATA ANG RATIO NG BAG AY 1 IS TO ONE NA KUNG SAAN 3 BAGS ANG NASA SANGGUNIAN NA IPINAKITA KUNG KAYAT 3 MGA BATA ANG DI NABIGYAN NG SCHOOL BAGS.

SOT. BOKAL ATTY. ALEJANDRO ABESAMIS/BOARD MEMBER 4TH DISTRICT

MAHIRAP PONG PANIWALAAN NA MERONG GANUNG PAG IISIP PA UNG MGA BATA NA UN PARA HINDI NILA TANGGAPIN AKOY NANINIWALA BASTA BINIGYAN MO NG BAG MAGAGAMIT NILA UNG MGA BATA EH GAGAMITIN NILA KUKUNIN NG MGA IYON

AYON PA KAY BOKAL ABESAMIS MARAMI SA MGA BATA ANG HINDI NAKATANGGAP NG SCHOOL BAGS DAHIL ITOY HINARANG UMANO NG MGA BRGY. CAPTAINS NG WALANG DAHILAN.

PRESYO NG GULAY TUMAAS SA JAEN DAHIL SA BAGYONG NIMFA

HINDI MABILI-BILI ANG MGA PANINDANG GULAY DITO SA PALENGKE NG JAEN, NUEVA ECIJA, DAHIL SA TAAS NG PRESYO. MULA NANG HUMAGUPIT ANG BAGYONG NIMFA NOONG BIYERNES, HINDI PA NAKAKABAWI ANG MGA MAGSASAKA AT MGA TINDERA.

SOT. ALING ANITA LORRES/TINDERA NG GULAY
AY TUMAAS , PAG KA NAG UUULAN TUMATAAS ANG GULAY DAHIL KAKAUNTI ANG NAPIPITAS NG MGA NAGTATANIM

ANG TALONG NA DATING 20-25 PISO LANG KADA KILO, 35-45 NA. ANG SITAW NA DATING 15-20 LANG KADA KILO, NGAYON 45-50 NA.

SOT. ALING LUZ FRANCISCO /TINDERA NG GULAY

AY MATUMAL AT NAMAHAL AY AKO MAN SIYEMPRE DI AKO BIBILI NG 350 NA TALONG EH DATI LANG 15 BENTE.

ILAN PANG GULAY NA LUBHANG TUMAAS ANG PRESYO AY ANG GULAY BAGUIO.

STAND UP:
CLOSING SPIEL :

KUNG GAGANDA ANG PANAHON SA MGA DARATING NA ARAW INAASAHANG BABABA ANG PRESYO NG GULAY.

GRACE DOCTOLERO PARA SA HATAW BALITA NG UNTVNEWS WORLDWIDE

Blog at WordPress.com.

Up ↑